Tuesday, March 30, 2010
Rekomendasyon
Dapat malaman at magising ang mga tagapakinig sa mga issue na nangyayari sa musika sa bansa. Dapat malaman din ito ng mga Filipino composers para malaman ang kanilang gagawin upang mas mapaunlad ang Filipino music at upang mas makilala ang musika sa bansa. Dahil dito, maaaring magustuhan ng mga Pilipino ang musika na ginagawa ng mga Filipino composers, at maaaring mas tangkilikin pa ang OPM kesa sa banyagang musika.
Konklusyon
Sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon, lumalabas na tunay nga na mas tinatangkilik ng kasalukuyang henerasyon ang musikang nanggagaling sa labas ng bansa. Ang dahilan ay ang kakulangan ng mang-aawit o tagaganap na makikita natin sa kasalukuyan. Ang ilan na magagaling na mang-aawit tulad nina Lea Salonga, Charice Pempengko at Arnel Pineda ay mas pinipiling pumasok sa idustriya ng musika sa ibang bansa, ang kalimitang sinasabing dahilan ng paghina ng industriya ngayon.
Napag-alaman din ng mga mananaliksik ayon sa isinagawang surbey ang ilang mga dahilan sa pagtangkilik sa musikang banyaga. Halos lahat ng mga nainterbyu ay nagsasabing maganda at kamangha- mangha ang mga musika mula sa ibang bansa. Ang iba naman ay inilahad na kakaiba ang mga uri ng liriko na ipinaparinig at makabuluhan ang mga musikang ito. Ang ilan naman ay naglahad na magaling umawit ang mga mang-aawit o tagaganap sa ibang bansa. Para naman sa mga sumagot na mas nais nila ang musikang Pilipino, inilahad nila na naniniwala sila na dapat mas tangkilikin ang sariling gawa mula sa bansa. Natutunan ng mga mananaliksik na malaki ang epekto ng pagtangkilik ng tao sa musikang banyaga. At upang maiwasan ang paghina ng industriya ng musika sa bansa, nais ng mga tao na gamitin ang talino at imahinasyon ng mga gumagawa ng musika.

Mga Issue sa Lokal na Musika
Napatunayan na sa buong mundo na pagdating sa musika ay nakaka-angat din ang mga Pilipino at talaga namang pang-world class ang dating. Ang mga chart toppers sa music scene ngayon gaya ng Black Eyed Peas at Pussycat Dolls ay may mga pinoy na miyembro na talagang mapapagmalaki. Tulad nila Arnel Pineda, Lea Salonga, Charice Pempengco, mga idols na sina Ramiel Malubay, Camille Velasco at Jasmine Trias na talaga namang nagbigay parangal sa bansang Pilipinas bilang mga Pinoy at naipagmalaki sa buong mundo. Pero habang sumisikat ang ibang mga Pilipino sa ibang bansa, dito sa Pilipinas hindi nauuso ang musikang Pinoy, kundi ang mga banyagang musika na galing sa Amerika, Korea, at iba pa. Makikita sa website ng MYX ang patunay na pamamayagpag ng banyagang musika sa ating bansa. Linggo linggo itong napapalitan, at sa bawat pagpalit nito, ang mga tagapakinig ang bumoboto dito. Samakatuwid, kung ang MYX ay sa Pilipinas, at dito sa bansa nagkakaroon ng botohan, malaki ang tiyansa na puro Pilipino ang bumoboto sa banyagang musika na ipinapakita at napapakinggan sa MYX.
Siguro may kinalaman ang henerasyon ng mga kabataan at mga matatanda sa pagtangkilik ng mga banyagang musika lalo na sa mga musika galing sa Korea kasi ito daw ang uso ngayon sa buong mundo. Ayon sa isang artikulo ng Responde Cavite, “Napakalalim ng colonial mentality na itinanim ng mga dayuhan at ng mga naunang henerasyon sa ating kamalayan. Ito ang dahilan kung bakit mas gustong pakinggan ng mga estudyante ang alinmang musikang dayuhan.” Karagdagan nito, “Taglay ng ibang manunulat ng kanta katulad nila Noel Cabangon at Gary Granada ang mga sitwasyon ng modernong Pilipinas”. Mas pinupunan na din ng pansin ang lakas ng instrumento at hindi ang laman o ang ipinapahayag ng kanta sa atin. Ayon sa pahayag ni Iech Bermal sa kanyang blog, nagiiba ang pananaw natin sa musika dahil sa pagimpluwensya sa atin ng western na mga bansa katulad ng Amerika. Nakasaad dito sa blog na ito na ang pag-impluwensya sa atin ng kultura ng western na bansa ay nakatatak padin hanggang ngayon at patuloy itong umuunlad at patuloy itong umiimpluwensya hanggang sa kasalukuyan.

Kasaysayan ng Original Pinoy Music (OPM)
KASAYSAYAN…
Ayon sa Pinoy Wikipedia, katulad ng kabihasnan ng bansa, ang katutubong musika ng Pilipinas ay produkto ng kaniyang makulay na kasaysayan. Ang katutubong musika ng Pilipinas ay naimpluwensiyahan ng uri ng lahat ng kulturang nakaulayaw nito kaya naman hindi nakapagtatakang maging kasing-tunog ito ng mga musika sa Tsina o Indya, habang ito ay tunog Europeo. Tulad ng mga taong gumagawa at gumagamit rito, ang katutubong musika ng Pilipinas ay maaaring ituring na Kanluranin o di-Kanluranin, at bagamat mayroong mga iba pang pagkakahati sa bawat isang uri ay ipinakikita pa rin nito ang kabihasnan ng isang pangkat. Naimpluwensiyahan ng Musikang Kanluranin ang katutubong awit ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga Kastila. Dahil na rin sumailalim ang Pilipinas sa pananakop ng mga Kastila sa loob ng mahigit 300 taon, hindi na nakapagtatakang makaririnig ang isang tao ng pagkakapareho sa katutubong Musika ng dalawang bansang ito. Ang ganitong uri ng musika ay kalimitang matatagpuan sa mga katutubong tinanggap ang paniniwalang Kristiyano sapagkat sila ang nagkaroon ng mas matagal na ugnayan sa mga Kastila kaysa sa mga di-Kristiyanong pangkat. Pinatotohanan rin ng mala-kanluraning musika ng Pilipinas ang pagsususri ni Dorothy Scarborough kung saan sinabi niyang: “Nagsisimula ang isang awitin bilang isang piraso ng musika, na nasa may-akda at kompositor ang papuri, na maaaring palitan katulad ng mga salita o musika, o pareho, sa pamamagitan ng mga mang-aawit na natuto at naidala sa pamamagitan ng bibig, na parang maging isang katutubong awitin. Ang katotohanan na kahit saan maaari itong malaman bilang inilimbag na musika na walang pagkakaiba… walang tunay na katutubong musika na may tumpak na kopya ng kahit anong bersyon kahit na ang kaparehong awitin. May sariling kahalagaan ang bawat bersyon o pagkakaiba nito." Sinasabi rin na ang katangian ng mala-kanluraning katutubong awit mula sa Pilipinas ang pagiging istropiko, kung saan iisa lamang ang ginagamit na melodiya sa lahat ng taludtod. Makikita itong mabuti sa mga Ballad, bagamat ang tinatawag na modified strophic, katulad ng awit na Irlandes na 'Red Is the Rose', ay mahirap matagpuan. Ang Anyong Dalawahan ay karaniwan ring ginagamit kung saan bagamat may iisang tono sa lahat ng mga taludtod ay mayroon namang refrain na iba ang tono. Ayon kay Boromeo na isang historian, “Ang isang-yunit na awitin ay binubuo ng mga bariralang musikal (dalawa o apat) kasama ang isang panloob na ugnayan na progresibo, bumabalik, umuulit o sumasalungat. Karaniwan ang dalawang-yunit o binaryo na anyo sa mga harana o kundiman. Inuulit ang bawat yunit katulad sa 'Lulay'. Binabago ang anyo sa tatlong inulit na disenyo o ternaryo sa pagbalik sa unang bahagi. Isang halimbawa ang bersyon ng 'Sarong Banggi'. Binanggit ang uri ng taludtod at refrain; i.e. 'Magtanim ay di Biro'. Isang pambihirang halimbawa ng namumunong-koro ang awitin ng para sa pagsagwan ng mga Ivatan, ang 'Un As Kayaluhen.”
Ang sinaunang musika sa kabuuan ay nagsasaad ng katangiang nagpapahiwatig ng mga saloobin, pangarap, at kahilingan ng mga katutubo. Mahalaga na maintindihan ang komunikasyon ay hindi lang nangyayari sa usapan kung hindi maaari rin sa pamamaraan ng pagkanta. Lumipas ang panahon, umunlad din ang musika sa Pilipinas habang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng mga Amerikano. Unang pinakilala sa atin ng mga Amerikano ang rock n’ roll music noong 1898 hanggang 1946 na nagbigay daan sa pagsibol ng Pinoy Rock. Noong 1950s nag-umpisa ang unang Pinoy rock at ang sumunod na mga taon, nagbigay agad ng parangal sa Pilipinas ang Rocky Fellers, isang bandang puro Pilipino. Ang kanta nilang “Killer Joe” ay ang nagpasikat sakanila sa buong Amerika. Noong 1970s naman nagumpisa ang “Manila Sound”. Sumunod dito ang “folk music”. Ang pinakasikat na gumagawa ng “folk music” noon ay si Fredie Aguilar. Ang kanta niyang “Anak” ay sumikat sa buong Asya at Europa. Noong 1980s nag-umpisa naman ang “Punk-Rock” katulad ng mga bandang Betrayed, The Jerks, and Urban Bandits. Noong 1990s nauso ang “Pop-Rock” na kultura. Ang Eraserheads ang tinuturing na pinakasikat sa Pilipinas sa larangan ng musika. Sinabayan din ng Parokya ni Edgar, Rivermaya at iba pa ang pagtaguyod ng Pop-Rock sa Pilipinas. Sa sumunod na mga taon sumibol naman ang Hard rock at Heavy Metal ng mga bandang Wolfgang at Razorback. Hindi naglaon ay nag-umpisa din ang mga “Underground music” na limitado sa publiko dahil sa kakulangan sa kapital. Ngayon, tinutuloy ng mga banda ang sinimulan ng ating mga ninuno at nagsisilbing inspirasyon sa kaunlaran tulad ng mga bandang Pupil, Hale, Sponge Cola, Callalily, at marami pang iba.

Introduksyon
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang musika ng banyaga ay mas tinatangkilik at ginagaya ng henerasyon ngayon kaysa sa lokal na musika. Ito ang napiling paksa ng grupo dahil madalas napapakinggan at kinakanta ng mga kabataan pati din ng mga matatanda ang banyagang musika. At kapansin-pansin din ang pagkukulang sa suporta sa lokal na musika na nagdudulot ng negatibong epekto sa industriya ng musika sa bansa.
LAYUNIN
Layunin ng pananaliksik na ito na maipakita ang mga dahilan ng di pagtangkilik ng ilan at makakalap ng mga impormasyon tungkol sa kasalakuyang kalagayan ng lokal na musika sa bansa. Layunin din nito na mapaliwanagan ang mga tagapakinig na ang musikang Pilipino ay nangangailangan ng suporta dahil kung wala ang suporta na ito, maaaring bumagsak ang industriya ng musikang Pilipino sa sarili nitong bansa. Layunin rin nito na makatulong sa pagbibigay ng kaalaman ukol sa mga dahilan ng paghina ng musikang Pilipino. Gayundin ang makapag-ambag ng karunungan sa nangyayari sa industriyang musika at mahikayat ang mga Pilipino na kilalanin ang lokal na musika sa bansa.
KAHALAGAHAN
Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil kapag nakalat ang mga impormasyong nakasaad dito, magkakaroon ng ideya ang mga tagapakinig at maaring maliwanagan sila at maging dahilan sa pagbalik sa pagtangkilik sa lokal na musika sa bansa. Kapag tinangkilik muli ang lokal na musika, uunlad ulit ang industriya nito at maaaring makilala nanaman sa buong mundo ang gawang Pinoy.
METODOLOHIYA
Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng surbey sa 50 na freshmen students sa UST na mahilig sa musika. Sa UST kukuha ng surbey dahil ramdam sa buong unibersidad ang awra ng banyagang musika sa bansa.
DALOY NG PAG-AARAL
Makikita sa unang kabanata ng pananaliksik ang pinagmulan ng musikang Pilipino at kung paano ito umunlad at naimpluwensiyahan ng musikang banyaga habang lumilipas ang panahon. Makikita din dito kung paano nakaapekto ang pinagmulan sa kalahayan ng lokal na musika ngayon.
Sa ikalawang kabanata isasaad ang mga isyu at mga problema na kinakaharap ng industriya sa musika sa bansa na nagbibigay daan sa pagtangkilik sa banyagang musika. Ipapakita din sa kabanatang ito kung ano ang kalagayan ng banyagang musika sa Pilipinas at kung paano ito tinatangkilik ng mga tagapakinig, lalo na ng mga kabataan sa panahon ngayon.

Subscribe to:
Posts (Atom)