PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang musika ng banyaga ay mas tinatangkilik at ginagaya ng henerasyon ngayon kaysa sa lokal na musika. Ito ang napiling paksa ng grupo dahil madalas napapakinggan at kinakanta ng mga kabataan pati din ng mga matatanda ang banyagang musika. At kapansin-pansin din ang pagkukulang sa suporta sa lokal na musika na nagdudulot ng negatibong epekto sa industriya ng musika sa bansa.
LAYUNIN
Layunin ng pananaliksik na ito na maipakita ang mga dahilan ng di pagtangkilik ng ilan at makakalap ng mga impormasyon tungkol sa kasalakuyang kalagayan ng lokal na musika sa bansa. Layunin din nito na mapaliwanagan ang mga tagapakinig na ang musikang Pilipino ay nangangailangan ng suporta dahil kung wala ang suporta na ito, maaaring bumagsak ang industriya ng musikang Pilipino sa sarili nitong bansa. Layunin rin nito na makatulong sa pagbibigay ng kaalaman ukol sa mga dahilan ng paghina ng musikang Pilipino. Gayundin ang makapag-ambag ng karunungan sa nangyayari sa industriyang musika at mahikayat ang mga Pilipino na kilalanin ang lokal na musika sa bansa.
KAHALAGAHAN
Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil kapag nakalat ang mga impormasyong nakasaad dito, magkakaroon ng ideya ang mga tagapakinig at maaring maliwanagan sila at maging dahilan sa pagbalik sa pagtangkilik sa lokal na musika sa bansa. Kapag tinangkilik muli ang lokal na musika, uunlad ulit ang industriya nito at maaaring makilala nanaman sa buong mundo ang gawang Pinoy.
METODOLOHIYA
Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng surbey sa 50 na freshmen students sa UST na mahilig sa musika. Sa UST kukuha ng surbey dahil ramdam sa buong unibersidad ang awra ng banyagang musika sa bansa.
DALOY NG PAG-AARAL
Makikita sa unang kabanata ng pananaliksik ang pinagmulan ng musikang Pilipino at kung paano ito umunlad at naimpluwensiyahan ng musikang banyaga habang lumilipas ang panahon. Makikita din dito kung paano nakaapekto ang pinagmulan sa kalahayan ng lokal na musika ngayon.
Sa ikalawang kabanata isasaad ang mga isyu at mga problema na kinakaharap ng industriya sa musika sa bansa na nagbibigay daan sa pagtangkilik sa banyagang musika. Ipapakita din sa kabanatang ito kung ano ang kalagayan ng banyagang musika sa Pilipinas at kung paano ito tinatangkilik ng mga tagapakinig, lalo na ng mga kabataan sa panahon ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ma-impormasyon at kapakipakinabang ang sinulat mo tungkol sa musika ng ating bansa Sakit.info
ReplyDelete