Napatunayan na sa buong mundo na pagdating sa musika ay nakaka-angat din ang mga Pilipino at talaga namang pang-world class ang dating. Ang mga chart toppers sa music scene ngayon gaya ng Black Eyed Peas at Pussycat Dolls ay may mga pinoy na miyembro na talagang mapapagmalaki. Tulad nila Arnel Pineda, Lea Salonga, Charice Pempengco, mga idols na sina Ramiel Malubay, Camille Velasco at Jasmine Trias na talaga namang nagbigay parangal sa bansang Pilipinas bilang mga Pinoy at naipagmalaki sa buong mundo. Pero habang sumisikat ang ibang mga Pilipino sa ibang bansa, dito sa Pilipinas hindi nauuso ang musikang Pinoy, kundi ang mga banyagang musika na galing sa Amerika, Korea, at iba pa. Makikita sa website ng MYX ang patunay na pamamayagpag ng banyagang musika sa ating bansa. Linggo linggo itong napapalitan, at sa bawat pagpalit nito, ang mga tagapakinig ang bumoboto dito. Samakatuwid, kung ang MYX ay sa Pilipinas, at dito sa bansa nagkakaroon ng botohan, malaki ang tiyansa na puro Pilipino ang bumoboto sa banyagang musika na ipinapakita at napapakinggan sa MYX.
Siguro may kinalaman ang henerasyon ng mga kabataan at mga matatanda sa pagtangkilik ng mga banyagang musika lalo na sa mga musika galing sa Korea kasi ito daw ang uso ngayon sa buong mundo. Ayon sa isang artikulo ng Responde Cavite, “Napakalalim ng colonial mentality na itinanim ng mga dayuhan at ng mga naunang henerasyon sa ating kamalayan. Ito ang dahilan kung bakit mas gustong pakinggan ng mga estudyante ang alinmang musikang dayuhan.” Karagdagan nito, “Taglay ng ibang manunulat ng kanta katulad nila Noel Cabangon at Gary Granada ang mga sitwasyon ng modernong Pilipinas”. Mas pinupunan na din ng pansin ang lakas ng instrumento at hindi ang laman o ang ipinapahayag ng kanta sa atin. Ayon sa pahayag ni Iech Bermal sa kanyang blog, nagiiba ang pananaw natin sa musika dahil sa pagimpluwensya sa atin ng western na mga bansa katulad ng Amerika. Nakasaad dito sa blog na ito na ang pag-impluwensya sa atin ng kultura ng western na bansa ay nakatatak padin hanggang ngayon at patuloy itong umuunlad at patuloy itong umiimpluwensya hanggang sa kasalukuyan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment