Sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon, lumalabas na tunay nga na mas tinatangkilik ng kasalukuyang henerasyon ang musikang nanggagaling sa labas ng bansa. Ang dahilan ay ang kakulangan ng mang-aawit o tagaganap na makikita natin sa kasalukuyan. Ang ilan na magagaling na mang-aawit tulad nina Lea Salonga, Charice Pempengko at Arnel Pineda ay mas pinipiling pumasok sa idustriya ng musika sa ibang bansa, ang kalimitang sinasabing dahilan ng paghina ng industriya ngayon.
Napag-alaman din ng mga mananaliksik ayon sa isinagawang surbey ang ilang mga dahilan sa pagtangkilik sa musikang banyaga. Halos lahat ng mga nainterbyu ay nagsasabing maganda at kamangha- mangha ang mga musika mula sa ibang bansa. Ang iba naman ay inilahad na kakaiba ang mga uri ng liriko na ipinaparinig at makabuluhan ang mga musikang ito. Ang ilan naman ay naglahad na magaling umawit ang mga mang-aawit o tagaganap sa ibang bansa. Para naman sa mga sumagot na mas nais nila ang musikang Pilipino, inilahad nila na naniniwala sila na dapat mas tangkilikin ang sariling gawa mula sa bansa. Natutunan ng mga mananaliksik na malaki ang epekto ng pagtangkilik ng tao sa musikang banyaga. At upang maiwasan ang paghina ng industriya ng musika sa bansa, nais ng mga tao na gamitin ang talino at imahinasyon ng mga gumagawa ng musika.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment